Mga batas sa mining pinabubusisi

Nais ni Senador Leila de Lima na busisiin ang mga environmental protection law na ipinatutupad ng iba’t ibang ahensya kasunod ng pagtaas ng kaso ng human rights abuses sa mga komunidad na may large-scale mining sa lugar.

Sa kanyang Senate Resolution 778, iginiit ni De Lima na pag-aralan ng kaukulang kumite ang mga batas na maaring baguhin para tumugma sa kasalukuyang sitwasyon.

“Despite stringent regulations under our laws to mitigate environmental degradation, mining operations continue to pollute rivers, cause soil erosion, and destroy forests and vegetation,” saad ni De Lima.

Tinukoy ni De Lima ang pagtatrabaho ng mga batang may edad 13 taong gulang sa mga mining industry na paglabag sa Republic Act No. 9231, o “Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.”

Binanggit din sa resolusyon na noong 2010, nakita ng Commission on Human Rights (CHR), na may paglabag sa human rights ang Oceana Gold Philippines Inc. sa Didipio, Kasibu sa Nueva Vizcaya laban sa mga manggagawa nito.

Noong June 2013, inakusahan ang Sagitarrius Mines, Inc., sa Tampakan, South Cotabato na nagpopondo ng operasyon ng military at mga paramilitary group na nanghaharas at pumapatay sa indigenous people sa mga mining area.

Nakitaan din ng human rights abu­ses at mga paglabag ang apat pang large-scale nickel mining operations sa Zambales na Zambales Diversified Metals Corp., Benguet Corp. Nickel Mines Inc., Eramen Minerals Inc., at LNL Archipelago Minerals Inc.