tonite-pak-allan-diones

Biglang kinabahan ang mga pa­geant-crazy bek para kay Miss Universe-Philippines 2018 Cat­riona Gray matapos ang masaklap na sinapit ng kandidata natin sa katatapos na Miss World 2018.

Naligwak ganern at hindi man lang pumasok sa Top 30 si Miss World-Philippines 2018 Katarina Rodriguez, na ikinalerky ng sangkabekihan dahil laging pasok ang ‘Pinas sa Miss World.

Si Miss Mexico ang nagwagi at runner-up nito si Miss Thailand. So, mukhang mahigpit din daw ang laban ng Thailand sa Miss Universe 2018 at isa ito sa makakapukpukan nang husto ni Catriona.

At least, si Jehza Huelar ay pumasok sa Top 10 ng katatapos lang din na Miss Supranational 2018. Pero nabigo rin itong masungkit ang korona, na napunta kay Miss Puerto Rico.

Eh, sabi kasi nila, ‘it comes in threes’, so baka raw NGANGA rin si Cat sa Miss U. Huwag naman sana!

In all fairness, ayon sa mga beauty pageant expert, ay sobrang deserving si Catriona na makuha ang Miss Universe title.

Ang totoo ay sobrang prepared daw ni Cat at sobrang hasang-hasa na ito para rito, na tuwing rumarampa ito sa Bangkok, Thailand ay kulang na lang ay lagyan na nila ng korona ang ulo nito.

Ganu’n ka-queenly ang 24-anyos na kandidata natin, na lahat ng ayos at mga sinusuot ay pinag-isipan. From her dress, to her bag, to her shoes ay talaga raw pinaghandaan at may sariling kuwento.

Ang dinig namin ay may kasamang sarili niyang production team si Cat sa Thailand na nagsu-shoot sa kanya at nagdo-document ng bawat activity niya roon.

Mostly mga millennial daw ang kinuha niya sa kanyang team at ang mga ito rin ang gumawa ng bonggang Luzon video ni Cat na well-produced at talagang pinag-effortan.

Huwag lang daw sanang mag-backfire kay Catriona ang pagiging overly prepared at overly confident niya na ‘yon. Depende rin kasi talaga ‘yon sa kung anong hinahanap ng mga judges at that particular moment at kung mag-a-align ang stars niya on the day of the pageant.

Si Iris Mittenaere ng France ay bigla na lang nanggulat sa MOA Arena at kinabog nito ang mga paboritong kandidata sa Miss Universe 2016. Bilog ang bola kumbaga, at kahit sino ay puwedeng makasilat.

Kagabi naka-schedule ang National Costume Competition sa Bangkok at balitang isang bonggang parol from Pam­panga ang national costume ni Catriona. Isa lang daw ‘yon sa maraming pinagpilian niya.

Ang Preliminary Competition ay sa December 13, Red Carpet event sa December 16, at ang Live Telecast ng 67th Miss Universe pageant ay sa December 17 nang umaga mula sa Impact Arena ng BKK.

Best of luck kay Miss Philippines! Cat Ganern!!!

GMA gumanti kay Coco

Kinumpirma ng isang GMA insider ang sinulat namin dito kahapon na bawal banggitin ang pangalan ni Coco Martin sa Kapuso network kaya hindi ito sinabi ni Maine Mendoza nang mag-promote si Meng ng “Jack Em Popoy” nu’ng Linggo sa “Sunday PinaSaya.”

Ang dahilan, hindi rin naman daw kasi binabanggit sina Maine at Vic Sotto sa mga programa ng ABS-CBN bilang co-stars ni Coco sa nasabing MMFF 2018 entry, so patas lang.

Kahapon ay sinulat ni Tita Lolit Solis ang tungkol doon sa kanyang mala-online column na Instagram account at sabi ni Tita Lolit ay hindi siya naniniwalang ‘banned’ si Coco sa GMA at hindi puwedeng banggitin ang name nito.

Baka raw nakalimutan lang ni Maine si Coco nang mag-promote ito, na imposibleng mangyari dahil wala pa namang memory gap si Meng.
At napanood namin ‘yung eksenang ‘yon sa “SPS” na halatang pinigilan si Maine na banggitin ang pangalan ni Coco. So, ang sabi na lang niya ay, “Bossing Vic Sotto and me, myself and I at marami pa pong iba.”
Nag-comment si Coco sa IG post na ‘yon ni Tita Lolit and as expected ay umiral ang pagiging diplomatic at mababang loob ng Kapamilya Primetime King.
Sey nito, “‘Nay, okey lang po ‘yon at naiintindihan ko po. Sobrang taas ng respeto ko sa GMA dahil sila ang unang nagbukas sa akin ng pintuan lalo na po si Sir Joey Abacan.

“Napakabait po nila sa akin kaya wala pong problema sa akin ‘yon at kahit kailan, hindi ako magtatampo sa kanila. Masaya na ako na natupad ko ang pangarap ko na makatrabaho po si Bossing at ganu’n din po si Maine.”

‘Yung kabaitan na ‘yon ni Coco at ang pagtanaw nito ng utang ng loob sa lahat ng nakatulong sa kanya noon ang ilan sa mga dahilan kaya sobrang blessed ngayon ng aktor.

Itinuturing niyang katuparan ng isang pa­ngarap ang makasama sa isang pelikula ang dalawa sa bigating artista ng GMA sa pampamil­yang action-comedy movie na “Jack Em Popoy: The Puliscre­dibles” na showing sa Christmas Day.