Gugugulin ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang Rizal Day sa pagbisita sa mga biktima ng lindol sa Cotabato.

Ipinahayag ni Communications ­Assistant Secretary for ­Special Concerns Joseph ­Lawrence Garcia na pangungunahan muna ng Pangulo ang gaganaping programa para sa 123rd death anniversary ni Gat Jose Rizal sa Davao City pagkatapos ay pupuntahan na nito ang mga biktima ng lindol sa M’lang, Cotabato at Digos City.

Napag-alaman na mamimigay rin si Pa­ngulong Duterte ng tulong pinansiyal sa mga sinalanta ng malalakas na lindol sa Mindanao.

Naghahanda na rin umano ang lalawigan ng Cotabato sa pagdating ng Pangulo, lalo na ang mga biktima ng lindol.

Una nang ­ipinahayag ng Malacañang na ­hindi dadalo ang Pangulo sa programang gaganapin ngayong Lunes sa Rizal Park sa lungsod ng Maynila.

Ito na ang panga­lawang taon na ­hindi dumalo ang Pangulo sa wreath laying ­ceremony sa Rizal Park.