PAGKATAPOS ang matagumpay na TOFARM Film Festival, a­yaw huminto ni Dr. Mila­gros How sa kanyang adbokasiya na bigyang-pugay ang mga magsasaka.

Umaarangkada na naman ito para sa unang TOFARM Songwriting Competition.

Paliwanag ni Dr. How, “Itong songwriting competition, gusto kong mag-complement sa ganda ng movies. And at the same time, makapag-discover ng talents ng mga Filipino musical composers.

“Feeling ko, at nagpapasalamat ako sa Diyos na fortunate ako at may chance ako na magawa ang search for outstanding musicians na hindi pa nakikilala ng marami.

“Masaya ako na madadagdagan ang OPM, ‘yun ang gusto ko talaga, at saka mas maraming Fili­pino songs, musicians na nabigyan ng oportunidad na mapakita at maiparinig ang husay nila sa ­paglikha ng songs.”

Ang theme nito ay “Planting the seeds of change.”
Pwedeng sumali ang Filipino amateur and professional songwriters.

Ang criteria sa pagpili ay “quality of composition, lyrics and ori­ginality.”

Nine (9) Finalists ang maglalaban. Ang siyam na mapapalad mapili ay makakatanggap ng certi­ficate at 40,000.

Sa Disyembre iaanunsyo ang musical compo­sers at interpreters.
Ang deadline for submission of entries ay sa November 18.

Pwedeng ipadala ang entries sa:TOFARM SONGWRITING COMPETITION, TOFARM Secretariat 10th Floor, Harvester Corporate Center, 158 P. Tuazon St. corner 7th Street, Cubao, 1109 Philippines o sa email: tofarmmusic@gmail.com