Mga British national na naipit sa `Pinas makakauwi na

Puwede nang makabalik sa sarili nilang bansa ang mga British national na na-stranded sa Pilipinas matapos na abutan ng enhanced community quarantine.

Sinundo ang nasabing mga Briton national gamit ang sweeper flights. Na-stranded ang mga ito sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao, Cebu at Palawan.

Mula sa mga paliparan doon ay isinakay naman sila ng eroplano patungong Manila.

Galing Manila ay saka naman sila iuuwi sa kanilang bansa.

Nagpa-abot naman ng kanilang pasasalamat ang British Embassy sa Manila sa Department of Tourism, Department of Foreign Affairs at PAL na tumulong para maiuwi ang mga stranded na dayuhan.