Pinarangalan at binigyan ng pabuya ang mga Bulakenyong atleta at coach na lumahok at nagwagi sa 30th Southeast Asian Games PH 2019 sa Bulacan Capitol gym sa Malolos nitong Miyerkoles.
Kabilang sa kanila ay nanalo ng medalyang ginto sa sepak takraw na si coach Desiree Ramos Autor ng Sta. Maria, Jayson Rafael Torculas ng Marilao sa eSports, Rogen Ladon ng Marilao sa boxing, Dean Michael Roxas ng Bocaue sa jiu-jitsu, Danica Therese Jose ng Bocaue sa basketball 5×5, Jack Danielle Animam ng Malolos at Afril Bernardino ng Calumpit sa 3×3 & 5×5 basketball, at Fernando Casares ng Bulakan sa triathlon
Pati ang mga silver medalist na sina Catherine Pareña Secopito ng San Jose Del Monte sa chess, at ang mga naka-bronze na sina Jaime Viceo V ng San Rafael sa fencing Jaron Requinton ng Sta. Maria sa beach volleyball; Reymond Alferos ng Malolos sa athletics at Cristine Grace Hipol ng Bocaue sa water polo.
Nasa P10,000 ang binigay ng sa Pamahalaang Panlalawigan sa mga nakaginto, pilak at tanso habang P5,000 sa mga ‘di nakamadelya.
Sdila ay sina Chanelle Lunod ng Bulakan sa badminton, Jessie King Lacuna ng Pulilan sa swimming, Mika Reyes ng Pulilan at Eya Laure ng Norzagaray sa volleyball, Paul Pantig ng Guiguinto sa badminton, atbp. (Jun Borlongan)