Mga cannibal ang kasama ko

Nais ko po sana isangguni ang aking pa­naginip tungkol sa aking pamangkin.

Namatay po sya doon sa panaginip ko. Pero di ko po na-realize agad na pamangkin ko iyon. Parang may kasiyahan tapos nag-lechon kami.

Namalayan ko na lang na cannibals po pala ang mga kasama ko at isa na ang pamangkin ko sa ni-lechon.

Napaisip ako at umiyak at kinuha ang pamangkin ko. Ano po ba ibig sabihin ng panaginip ko na iyon? ‘Yung pamangkin ko na iyon ay mahal na mahal ko po at spoiled nga po sa akin. Sana po matulungan nyo po ako.
Mae

Ang panaginip tungkol sa cannibalism ay ikinukonek sa mga sumusunod: ang iyong pakikipagrelasyon o kung paano ka makipag-interact sa ibang tao sa iyong trabaho, bahay o school life.

Sa iyong panaginip, nakita mong mga cannibal ang iyong mga kasama at ito naman ay maikokonek sa aktuwal na buhay kung may sitwasyon na pinagdaanan o pinagdaraanan ka na nakakaramdam kang mahina ka o walang lakas o sunud-sunuran.

Ang ganitong panaginip ay kadalasang isang paalala na pag-aralan at tingnan mo kung saan ka malakas at saan ka mahina.

Ang pagkain ng laman ng tao ay maikokonek din sa mga impormasyong natatanggap natin kung saan maaaring karamihan ay mali. Sa iyong panaginip, nakita mong naging cannibal ang mga tao at naproseso agad ng isip mo na mali ang pagkain ng karne ng tao. Nakaramdam ka agad ng pagkarimarim.

Sa iyong aktuwal na buhay, tingnan kung sino ang mga taong maituturing mong cannibal. Maaring ang iyong panaginip ay paalala ng iyong subconscious na merong mga ganitong tao sa iyong buhay. Ang mga taong ito ay kinakayan-kayanan ka at meron kang pakiramdam na sunud-sunuran ka lamang sa kanila.
Ang iyong pamangkin naman na sinabi mong mahal na mahal mo ay representasyon ng sarili mo. Nakita mo mong nilitson ng mga cannibal ang iyong pamangkin para kainin. Kung ikokonek mo sa totoong buhay, ikaw ang iyong pamangkin at ang mga cannibal ay mga taong maaaring nagsasamantala sa iyong pagsasawalang-kibo.

Ikaw ang nakakakilala sa sarili mo, ikaw ang nakakaalam ng sitwasyon mo sa buhay. Tingnan mo kung saan nagkakaroon ng imbalance. Tingnan mo kung saan nanga­ngailangan ng pagbabago o ng improvement. Pag-aralan mo ang iyong mga kahinaan at dito ka gumawa ng improvement.

Minsan, ang ating mga panaginip ay paalala ng ating subconscious at hindi masamang pag-aralan kung ano itong ipinapaalala sa atin.

DISCLAIMER: Ang DREAM C­ATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.