Mga Chinese island nakakabahala

Dear Abante Tonite:
Fuga, Chiquita at Grande Island, ito ‘yung mga isla na pepeng saksi sa mga kabayanihan na ginawa ng ating mga ninuno para sa tinatamasa nating kalayaan, ang mga islang ito rin ay strategic ang lokasyon, na ang isa ay nasa bukana ng Subic bay at sa hilagang dulo ng Aparri, Cagayan.

Bukod pa sa pagdami ng mga turistang Chinese national sa ating bansa, oo dapat matuwa tayo dahil maraming turista na pumapasok sa atin, kita po ‘yun ng ating bansa, pero teka naman po, paano kung ang mga nakapasok na pala sa atin ay may ibang hangarin, hindi ang pag-explore sa ganda ng tanawin sa ating mga tourist destination, sa halip ay ang destabilisasyon.

Ilang Chinese national po ang nakita na kumukuha ng mga larawan sa pasinidad ng Philippine Navy, ganun din ang pagdaan ng barkong pandigma ng China sa teritoryo natin sa Sibutu Strait na walang pahintulot.

Ang mga hakbang po na ito na lubos kong ikinababahala, at dapat naman po sana hindi lamang ako ang nababahala buong Pilipino po dapat.

Gumawa naman po sana tayo ng hakbang para maipakita sa China na hindi po natin isinasantabi itong mga ginagawa nila na mistula pong pambabalewala sa atin.
Flor Mabuti