Humingi ng abiso ang PBA sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para payagan nang makapag-workout ang players ngayong unti-unti nang nagluluwag ang lockdown sa coronavirus pandemic.
Sakaling pumayag ang ahensiya ng pamahalaan na nangunguna sa pagtutok sa Covid-19, players pa lang ang makakapag-training.
Anim na katao ang sabay-sabay papasok ng gym – apat na players, isang trainer at isang health officer na magmo-monitor sa health issues.
Ibig sabihin ay wala pang sumisigaw na Tim Cone, Yeng Guiao, Leo Austria, Norman Black, Chito Victolero, Pido Jarencio, Caloy Garcia, Bong Ravena, Jeff Cariaso, Johneded Cardel, Louie Alas, Nash Racela.
“Baka itong practices, wala pa ‘yung coaches,” paglilinaw ni commissioner Willie Marcial kahapon. “Conditioning lang naman ‘to.”
By batches ang magwo-workout, wala munang scrimmages sa loob ng training facilities. Pagkatapos ng session ng bawat batch, alis agad. (Vladi Eduarte)