Mga coach, technical official matutulungan

Pwedeng maging panimulang pondo ang hindi nagalaw na P5M badyet sa nakanselang Cordillera Administrative Regfion Athletic Association (CARAA) Meet sa Baguio city para matulungan ang sektor ng sports na sapol din ng enhanced community quarantine bunsod ng coronavirus disease 2019.

Minungkahi ito ni Baguio City Council Youth and Sports Committee chairman Levy Lloyd Orcales sa weeklong meet na tinamaan ng ECQ para tuluyang kanselahin na lang noong Marso 17 tapos ang mga naunang ipagpaliban sa Mar. 22 ang paligsahang orihinal na itinakda noong Pebrero.

“It was my manifestation with the city council during our weekly session last Monday (May 11) that the P4M-P5M unspent funds from the CARAA be used to help out our coaches, trainers, and also referees,” anang opisyal na siya ring Baguio City Council youth representative.

Hinirit niyang hinahanda na niya ang mga papeles at ipapasa sa lalong madaling panahon upang pagpasyahan ng local finance committee at konseho ng lungsod ang magiging bill niya.”(RC)