Mga dahilan ng pagsinok

Lahat tayo ay nakaranas sinukin. Nasa loob man ng bahay o nasa kalye. At hindi natin ito gusto. Hindi kasi masarap sa pakiramdam kapag sinisinok ka. Nakakawala ng focus sa kung anuman ang iyong ginagawa at mahirap din sa lalamunan. Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit natin ito nararanasan?

Ang mga sumusunod ay mga dahilan na dapat mong malaman para ikaw ay makaiwas sa pagsinok.

1. Mabilis na pagkain. Hindi natin maiwasan na kapag gutom na gutom tayo ay maging mabilis at sunod-sunod ang ating pagsubo sa pagkain. O meron din namang sadyang mabilis kumain. Isa ito sa sanhi ng pagsinok dahil sa maraming hangin na nalalanghap natin.

2. Softdrinks at alak. Ang mga alak at carbo­nated soda na paborito nating inumin ay isa rin sa nagiging sanhi ng pagsinok. Lalo na kung ito ay malamig. Ang mababang temperature nito at bula ay nakakalikha ng iritasyon sa ating lalamunan.

3. Chewing gum. Nagiging sanhi rin ng pagsinok ang malimit nating pagnguya ng chewing gum.

4. Sigarilyo. Kapansin pansin din na ang mga adik sa paninigarilyo ay madalas makaranas ng pagsinok. Ang dahilan nito ay ang pagpasok ng hindi kailangang hangin na nagiging sanhi ng paninikip ng dibdib.

5. Medications. Kung minsan nagiging dahilan din ng pagsinok kung tayo ay nagte-take ng me­dicines. Subalit pili lamang ang ganitong kaso na maaaring epekto lamang ng iniinom na gamot.

6. Stress. Kapag tayo ay stress. Pakiramdaman mo ang sarili mo kapag ikaw ay nag-aalala sa isang tao o bagay, maaari mong maranasan ang pagsinok.