Dear Atty. Claire,
Magandang araw po sa inyo. Isa po akong OFW sa Qatar. Nais ko lang po malaman kung saan po pwedeng tingnan kung genuine ang titulo ng lupa o peke?

Meron pong nagbebenta ng lote sa akin sa parte ng Laguna at naging interesado naman ako kaya lang nangangamba po ako baka mapunta sa wala ang pinagpaguran ko kung mabibiktima ako ng isang scam.

Maraming salamat po,
Apollo

Apollo,
Tama ang ginagawa mong pagtatanong muna bago mo lang basta invest ang perang pinagpaguran.

Unang-una ay alamin mo ‘yung taong nagbebenta sa iyo kung sila ba ang may-ari nito o kung sila ang taong may karapatang magbenta.

Magpakuha ka ng certified true copy ng titulo para malaman kung existing at valid pa ang titulo o kung may encumbrance na nakalagay sa titulo tulad ng real estate mortgage, adverse claim, atbp.

Mas mainam na pumunta ang representative mo at ‘yung nagbebenta na dala-dala ang titulo sa Register of Deeds kung saan nakarehistro ang titulo at makipag-usap sa Officer of Day upang ma­laman mo kung ‘yung hawak na titulo ay peke dahil maraming titulong peke.

Kapag naging maa­yos ang lahat ay puntahan naman ang Assessor’s Office upang alamin kung walang utang na amilyar o kung hindi pa nabenta o napasubasta ng local government sa pamamagitan ng Office of the Treasurer ang ari-arian dahil sa hindi pagbabayad ng amil­yar. Magpakuha ka ng Tax Clearance.

Bago bayaran ng buo ang purchase price sa nagbebenta ay mas mainam na ibawas na ang capital gains tax mula aa nagbebenta para sigurado kang mababayaran ang tax para mailipat sa iyo ng tuluyan ang lahat ng interes sa ari arian.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0224 o mag-email sa atorneyclaire@gmail.com.