Napakahalaga sa atin ng pag-eehersisyo. Marami kasi tayong benepisyong pangkalusugan na makukuha rito. Pero makukuha lamang natin ng ang mga benepisyo nito kung maisasagawa natin ito nang tama.

Narito ang mga dapat at hindi dapat gawin bago at matapos ang pag-eehersisyo.

DAPAT – Dapat na i-check natin ang kalagayan o kondisyon ng ating katawan bago natin isagawa ang isang ehersisyo. Kung maayos ba ang pagtibok ng ating puso at pulso at blood pressure. Ito ay upang masiguro na kaya natin gawin ang napili nating ehersisyo.

HINDI DAPAT – Kung tayo ay magsasagawa ng isang ehersisyo, hindi tayo dapat kumain ng mga pagkaing mataas sa protina at fat levels dahil matagal itong ma-digest.

DAPAT – Dapat naman nating kainin ang mga pagkain na makakapagbi­gay ng fuel sa mga muscles natin sa loob ng ilang oras tulad ng mansanas at sa­ging. Maaari mo itong kainin mga 1 ½ oras bago mo simulan ang pag-eehersis­yo. At maaari mo rin kainin mga 15 minutes to 30 minutes matapos ang pag-eehersisyo.

HINDI DAPAT – Hindi tayo dapat magsuot ng sob­rang sikip na damit habang nag-eehersisyo. Ito ay upang hindi makasagabal sa ating paggalaw at makuha natin nang maa­yos ang hangin na kakaila­nganin natin habang isinasagawa natin ang pag-eehersisyo.

DAPAT – Hindi natin maiiwasan na mapuno ng pawis matapos ang ating pag-eehersisyo. Kaya kailangan ay huwag natin kakalimutan ang mag-shower pagkatapos ng isang session natin. Dapat natin panatilihin ang kalinisan upang maiwasan ang pagkalat pa ng mikrobyo sa ating katawan.

HINDI DAPAT – Sa umpisa ay kailangan muna natin maghinay-hinay upang hindi mabigla ang ating katawan. Hindi tayo dapat sumabak agad sa mabibigat na ehersisyo dahil sa halip na makatulong ito sa ating kalusugan ay makakasama pa kapag napuwersa ng husto ang ating kalamnan.