Mga dapat gawin ng mga kalalakihan sa kanilang ‘first date’

Ilang araw na lang Pebrero na naman. At tuwing sumasapit ang ikalawang buwan ng taon ay pag-ibig na ang halos nasa isip ng karamihan. Palibhasa’y love month, sinasabayan din ito ng mga taong in-love.

Ang iba namang nanunuyo pa lamang ay nag-aayang lumabas.

Narito ang ilang dapat gawin ng mga kalalakihan para magmarka sa kanilang nililiyag ang kanilang unang date.
Maging maginoo – Laging bitbitin ang GMRC o Good Manners and Right Conduct. Napakahalaga nito lalo na sa mga kalalakihan. Tandaan, pogi points pa rin sa mga Pinay ang pagiging gentleman.

Be presentable – Bihira sa mga kababaihan na ma-turn on sa mga lalaking dugyot sa unang date. Bago umalis ng bahay ay ayusin ang sarili.

On time – Maging punctual at big no, no na ang babae pa ang maghihintay sa iyo. Iparamdam mong excited ka at sabik siyang makasama sa unang araw at espesyal ninyong pagsasama.

Focus –Itabi muna ang cellphone o anumang gadget. Wag itong ilalabas o gagamitin kung hindi kailangan. Ituon ang buong atensyon sa kanya at wag hahayaang ma-interrupt ang inyong pag-uusap.

Be sure na sapat ang budget – Bago lumarga ay tiyaking paldo ang bulsa o may bitbit na extra na pera. Mahirap ang kapusin sa budget at mas dyahe kung ang babae pa ang dudukot para magbayad ng inyong pinang-date.

Surprises – Mas nagmamarka sa mga kababaihan kung sa unang date ay maipaparamdam mong special siya. Sa puntong ito’y pagkakataon mo nang manorpresa o ibigay ang mga hilig o bagay na kinagigiliwan nila.

Be yourself – Magpakatotoo at huwag maging ipokrito. Ilabas mo ang iyong natural at tunay na karakas. Iwasang magdagdag-bawas sa tunay mong pagkatao at estado sa buhay. Laging tatandaan, `first impression lasts’.