Ano nga ba ang mainam na gawin after sex?
Tulugan na? Wait lang. Sa halip na magtalikuran agad o magpalakasan ng hilik ay maglambingan muna nang ilang minuto para maramdaman ng iyong kapareha na nag-enjoy ka sa inyong romansa.
Para ma-relax ay mainam ring sabayan ito ng ‘ika nga’y movie magic. Magkatabi n’yong panoorin ang paborito ninyong romance movie hanggang sa sabay kayong antukin.
Ligo agad, hugas o linis ng kalat? Relax lang. Namnamin muna ang katatapos lang na ligaya. Dahil pareho pang may hang-over sa ‘make love’ at punumpuno pa kayo kapwa ng intimacy ay magandang tiyempo ito para pag-usapan ang tungkol sa inyong mga plano.
Pagkatapos mag-usap ay tsaka mo na siya hilahin sa banyo nang sabay kayong maligo at kapwa rin presko sa pagtulog.
Mang-away? Teka-teka muna. Nakakapag-init man ng ulo ‘pag nabitin ka’y awat muna sa bakbakan.
Pagkatapos ng intensibong sex, bakit ‘di mo subukang alukin ang partner mo ng malamig na serbesa o red wine or isang nag-aalab na masahe para makapag-recharge siya at ma-relax?
Puwede namang mangalabit ulit kung bitin. Gaya ng boxing, may round 2 pa naman hanggang sa walang puknat na 12 round (kung kaya n’yo pa) hanggang sa ma-satisfy ka.
Uwi agad? Huwag naman. Kung nag-check in kayo o saan mang lugar nagtalik, palipas ka muna ng konting oras para masulit at ‘di obvious na sex lang ang tinarget mo at habol sa iyong kapareha.
Dahil nasa ibang lugar kayo’y tsansa mo na rin ito para i-discuss ang pinaka-intimate na usapin sa inyong relasyon.
Hangga’t maaari ay iwasan munang pag-usapan ang pera, politika, mga naging ‘ex’ o buhay ng iba at kung ano-ano pa para hindi kayo mauwi sa giyera.