Naging host ng NBA All-Star weekend ang Charlotte noong 1991, makalipas ang halos tatlong dekada ay muling magiging punong abala at sasamahan ang 14 na iba pang lungsod na naging multiple hosts.
Ang iba pang multi-hosting cities ay ang Atlanta, Boston, Chicago, Denver, Houston, New Orleans, New York, Orlando, Philadelphia, Phoenix, Seattle, St. Louis, Los Angeles at Inglewood sa Los Angeles din.
Sa pangalawang sunod na taon, captain ng isang team si LeBron James. Sila ni Stephen Curry ang captains noong isang taon. Katunggali ni LeBron si Giannis Antetokounmpo.
Kapag naging starter si James ngayon, papantayan niya ang 15 starts sa All-Star Game ni Kobe Bryant. Iaakyat din ni James sa 15 ang kanyang consecutive start. Hawak na ni James ang ilang All-Star records ng total points (343), field goals (141) at 3-pointers (35).
Kailangan ni James ng 2 minutes na paglalaro para umakyat sa 416 ang All-Star total, lamang ng isang minuto kay Bryant sa No. 2 ng all-time list. Pinakamaraming minutong inilaro sa All-Star si Kareem Abdul-Jabbar (449).
Si Hakkem Olajuwon noong 1987 ang huling player na na-fouled out sa isang All-Star. Sa 2008 game ay napituhan ng limang fouls si Chris Paul.
Nakaka-14 na All-Star games pa lang na may napa-foul out, tigalawa sina Rick Barry at Bob Cousey.
Sa loob ng 15 games, 14 players ang tinanghal na All-Star MVP sa kanilang homecourt. Si Kemba Walker ang nag-iisang player ng Charlotte Hornets sa Games.
Idinagdag ni commissioner Adam Silver sina veterans Dirk Nowitzki at Dwyane Wade sa All-Star game ngayong taon.
Kung maglalaro si Nowitzki, magiging pangalawa siyang 40-something na sasabak sa All-Star Game. Si Nowitzki ay 40 na, si Abdul-Jabbar ay naglaro pa sa edad 40 at 41.
Kulang ng 8 days bago mag-40 si Michael Jordan sa huling All-Star game niya noong 2003. Feb. 17 ay 56 na si Jordan, owner ng host Charlotte Hornets.
Kung gagamitin si Wade, magiging 12th player siyang All-Star sa edad 37 o mas matanda. Nag-37 si Wade noong isang buwan.