Naging masayang aktibidad para sa mga bata, kanilang pamilya, at mga day care worker ang Familympics 2018 ng Pamahaalang Lungsod ng Antipolo na idi­naos kamakailan sa Sports Hub, Brgy. San Isidro. Umabot sa 500 na katao ang dumalo sa okasyon mula sa iba’t ibang day care center sa 16 na barangay.

“Nakakatuwa pong makita na marami po tayong nakikitang pamilya ngayon na nakikiisa sa ating kasiyahan para sa ating mga day care children. Bukod sa ating pagsasama-sama, ang Familympics po ay isa rin pong daan para mas maging matatag at mas maganda ang ugna­yan at pakikipagtulu­ngan ng ating mga day care worker sa ating mga magulang sa pag­hubog sa ating mga anak,” sabi ni Mayor Jun Ynares.

Nakisaya rin si Ate Andeng Ynares, ang maybahay ni ­Mayor Ynares, sa inihandang programa na may mga palaro, folk dance, Zumba, dance sport at ballroom dancing.

Kaugnay ang Fami­lympics 2018 sa pagdiriwang ng National Family Week alinsunod sa Presidential Proclamation No. 60. Taon-taon isinasagawa ng pamahalaang lokal ang Familympics katuwang ang City Social Welfare and Development ­Office.