Hindi puwedeng makaalis sa Pilipinas ang mga dayuhang sangkot sa P6.4 bilyong shabu smuggling matapos na ilagay sila sa hold departure order ng Bureau of Immigration (BI).

Batay sa kautusan na nilagdaan ni BI Deputy Commissioner Tobias Javier, inilagay sa hold departure order (HDO) sina Chen Ju Long, Li Guang Feng, Dong Yi Shen Xi, Chen Rong Huan, Chen I-Min at Jhu Ming Jyun.

Bukod sa mga nabanggit ay kasama rin sa inilagay sa HDO ang dalawang nagnga­ngalang Teejay Marcellana at Chen Pong Juan.

Nauna rito ay pinayagan ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Manila Regional Trial Court Branch 46 ang mosyon ng prosekusyon na humihiling na magpalabas ng HDO laban sa mga dayuhan na inakusahan ng pagpagpupuslit ng P6.4 bilyong shabu noong nakaraang taon.

Iginiit ng proseku­syon na malaki ang posibilidad na umalis sa Pilipinas ang mga akusadong dayuhan upang makaiwas sa pag-uusig sa kanila.