Mukhang walang pakialam si LeBron James sa binabato sa kanya ng ilang general managers na iniimpluwensiyahan niyang lumipat sa Los Angeles Lakers si New Orleans Pelicans star Anthony Davis.

Nag-dinner ang dalawa pagkatapos talunin ng Lakers ang Pelicans 112-104 sa Staples Center noong Biyernes, ayon sa Yahoo Sports.Nanatili sa LA ang Pelicans pagkatapos ng laro, kinabukasan na bumiyahe sa Sacramento kaya nakapag-dinner pa sina James at Davis.“That would be, amazing, like duh,” wika ni James sa ESPN nang matanong sa posibilidad na maglalaro si Davis sa Lakers. “That would be incredible.”Hindi nagustuhan ng ilang exe­cutives ang pahayag, nanawagan sila sa NBA para mamagitan dahil mukhang hayagan na raw nire-recruit ni James si Davis.“I’d take legacy over money,” pahayag naman ni Davis sa Yahoo Sports. “I want to have a legacy. All my people that look up to me, the younger kids, I want them to know about AD’s legacy.

Championships, the things I do in the community, being a good teammate, playing hard.”Hindi pinansin ni James ang pagkuyog sa kanya ng ilang GMs.“People get caught up in bunches some times and they wish they could control what you say,” aniya. “And they can’t control me, at all. And I play by the rules.”

Biyernes ng umaga ay sinabi na ni New Orleans coach Alvin Gentry na hindi nila ite-trade si Davis.Sa ilalim ng bylaws ng NBA, kakasuhan ng tampering ang player na magre-recruit sa isa pang player na maglaro sa ibang team. Sa nakaraang dala­wang taon ay napagmulta na ang Lakers dahil sa tampering.

VE