Mga fan aligaga kina LeBron, Davis sa covid

Hindi pinangalanan ng Lakers ang dalawang players nilang nag-postive sa COVID-19, kaya ganun na lang ang pagkabahala ng fans sa kalagayan nina LeBron James at Anthony Davis.

Wala pang sinasabi ang dalawang superstar.

Ipina-test ang Lakers dahil huling laro nila kontra Brooklyn Nets sa Staples Center isang araw bago suspendihin ang NBA season. Apat na Nets ang nag-positive.

Nag-post si James ng Instagram story Huwebes ng umaga, makikita siyang kasali sa live video meditation sa kanyang cellphone.

Kasunod nito ang isa pang video ng kanyang asawang si Savannah na nagwo-workout sa gym sa kanilang bahay.

Sa Twitter, sinabi ni Imani McGee-Stafford na hindi kasama ang kapatid niyang si JaVale McGee sa dalawang Lakers players na nag-positive.

Bago inilabas ang test results nitong Huwebes, kinumpirma ni Lakers guard Danny Green ang testing sa Full 48 podcast ni Howard Beck. Hinihintay pa nila noon ang resulta para malaman ang susunod na gagawin.

“But either way, negative or positive results, we still have to be quarantined for a couple of weeks so I am in the house as well, just like you are,” ani Green.

Nang lumabas ang balita sa Nets noong Martes ay nasa team practice facility sa El Segundo, California ang Lakers para sa kanilang isahang workouts.

“Usually the schedule has been, ‘All right, your workout time is this time,’” paliwanag ni Green. “Then it was like, ‘We are pretty much shutting down for the next two days. Tomorrow, it is not mandatory but we highly suggest that you guys come in and get tested.’”

Isasara na ng dalawang linggo ang gym. (VE)