Mga fan ng AlDub napraning kay Maureen

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioPara sa diva that you love, napaka-refreshing at novel na ang Asia’s supermodel, si Maureen Wroblewitz ay kasali na ngayon sa Eat Bulaga.
Siya lang naman kunyari ang “sister” ni Ryzza Mae Dizon, na bonggang-bongga ang pagiging Boss Madame sa kanilang co­medy segment.
As expected, kung ano ang dinaranas ni Janine Gutierrez sa Victor Magtanggol, parang ang mga natitira pang AlDub fanatics na ayaw palupig ang pag-asa, kinakabahan na, maaaring napapraning pa nga dahil baka may “linking” na mangyari kina Alden ­Richards at Wroblewitz.
Kasi nga, sa nasabing segment si Faulkerson ay si Patrick, ang driver ni Boss Madam kaya pasasaan ba at ang dalawa ay magtatagpo, maaaring magkasama sa eksena at alam naman natin na sa Eat Bulaga, the moment na makita at maramdaman nilang may spark, chemistry o sexual tension ang dalawa, alam na alam na natin ang mangyayari.
A new team up is born, AlMau or kung gusto nilang itodo, a new love team perhaps, AlMengMau? Masaya at interesante ang ganitong possibilities, hindi ba naman?
At sa true lang, I don’t take it against Maureen kung she speaks the King’s language fluently. Walang masama kung sa isang pangmalakasang show, may isang beautiful lady na Ingliserang totoo na wala na ‘yung dramang dumudugo ang ilong ‘pag may taong mahusay mag-Ingles.
Maganda para sa mga loyal EB viewers, lalo na sa mga kabataan na makapanood at may naririnig na tamang conversational English.
Gusto ko rin ang classy manner on how Wroblewitz deals with her bashers. May isang basher hiding under a fictitious name na sinabing mukha siyang transgender. Ang reaksyon ni Maureen rito, “What’s wrong with looking like a transgender?” O, di ba, bakit mo naman hindi yayakapin ang ganitong dalagang walang prejudice at hatred sa katawan?
Si Richard tanggap na pagdating sa kanilang karera, nasa individual pursuits phase sila ni Maine. Si Nicomaine rin, alam na alam na tanggap na niya ang katotohanang ito lalo na nga’t may Daddy’s Gurl siya very soon.
Sa mga hindi pa makatanggap sa katotohanang ito, ay naku, magdusa na lang kayo.
Kay Maureen Wroblewitz, salamat na pinatutunuyan mo na ang gandang Pilipina, hindi lang panlabas, kundi panloob rin. Mabuhay ka! Mahusay ka!
***
Kris walang laban na sinukuan
Riddle me this, riddle me that at mahahabang aria, ganiyan ang mga pahayag ni Digital Empress Kris Aquino sa kanyang social media site.
May emote na siya ay na­ngangayayat, hindi makatulog, dahil may nilalang na winalanghiya ang kanyang hard earned finances.
Walang duda na talagang iniinda ni Krissy ang kaganapan. Nawa’y, ang mga abogadong kanyang kinuha, magaba­yan siya kung ano ang mga legal remedies para sa sitwasyon niya sa kasalukuyan.
Dahil nga hindi kainaman ang ganitong sitwasyon, mas mainam din na wala siyang ipapahayag o ilalahad pa sa kanyang social media sites.
Kung gazillion nga ang nawala, tiyak naman na more than gazillion rin ang maibabalik sa iyo, Ms. Aquino. Masipag, mabait at talaga namang marami pa rin ang huma­hanga at sumusuporta sa iyo.
All you need to do right now is put your head up high, rise from the pity party and move forward, armed with your version of truth and all the important documents that you ram on your antagonist throat.
Ravan lang! You are Kris Aquino, after all. Wala kang laban na sinusukuan. You are everyone’s proof that living well is indeed one’s best revenge!