June 5 ipinagdiriwang ng Triple Threat Star na si Lee Seung Gi ang kanyang ika-16th debut anniversary.
Malaking karangalan na sa loob ng 16 na taon ay napanatili niya na isa siya sa hinahangaan at nirerespeto sa South Korea.
At sa kabila ng pandemic sa buong mundo, may kanya-kanyang gimmick ang bawat bansa na may fan club ni Seunggi bilang paggunita sa kanyang anniversary.
Ang DC Lee Seung Gi Gallery sa South Korea ay nakapag-donate ng 160 electric fans para sa mga low income family sa Chungnam area. Nag-chip-in at nakapag-donate rin ang mga fan ng 8,160,000 won sa KBS Kang Tae Won Welfare Foundation.
At simula pa noong 2012, ang fan club na ito ni Seunggi ay nakapag-donate na ng 3017 sa mga mahihirap sa SoKor.
Sa isang banda, tila nagsilbing regalo naman niya sa kanyang mga tagahanga ang pagtanggap ng bagong drama.
After ng Vagabond, ang “Mouse” ng tVN ang next drama na gagawin ni Seunggi .Ang airing nito ay sa first half ng 2021.
Tila, bida-kontrabida ang magiging character niya na isa sa mga bagong ipapakita na naman niya.
Bukod sa “Mouse” ay patuloy pa rin siyang napapanood sa All The Butlers ng SBS at sa Netflix’s original na “Busted” at “Twogether.”