Mga fan ‘tinayuan’ si LeBron

Mga fan ‘tinayuan’ si LeBron

Nag-crossover dribble si 6-foot-10 Anthony Davis na sinundan ng Eurostep layup.

Si LeBron James tumira mula midcourt.

Sobrang angas ng dalawang stars ng Los Angeles Lakers Martes ng gabi sa 74th National Basketball Association 2019-2020 regular game.

Nilista ni Davis ang 18 sa kanyang­ 37 point sa second quarter at kinubabawan ng Lakers ang Philadelphia 76ers 120-107.

Nagsumite si James ng 22 point, 7 rebound at 14 assist para itulak ang Los Angeles sa 47-13, nasa tuktok ng Western Conference.

Kauumpisa ng second half, kalmadong­ ibinaba ni 35-year-old James ang bola at pagdating sa gitna ay parang walang anumang ibinaon ang 3-pointer mula sa ‘R’ ng Lakers logo sa halfcourt.

Binigyan ng standing ovation sa Staples Center si James nang pumasok ang 3.
Nang mabilis na tumawag ng timeout ang 76ers, nag-ipon sa midcourt sina Davis, JaVale McGee at Danny Green para inspeksiyunin ang spot kung saan pinakawalan ni LeBron ang tira. (Vladi Eduarte)