Dahil sa pagdagsa ng mga Chinese at iba pang banyaga sa Pilipinas, sinabi ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III na kailangang alamin ng pamahalaan kung sino-sino sila at kung nasaan sila dahil may implikasyon ito sa seguridad ng bansa sa sobrang dami na nila.

β€œIt is imperative for the government to find out who and where all these alien workers are, given the national security implications of their large presence in the country,” sabi ni Dominguez sa isang pahayag kahapon.

Bukod sa national security concern, nais din ni Dominguez na habulin at singilin ng buwis ang mga Chinese at iba pang dayuhang nagtatrabaho sa mga pasugalan.