Mga galaw ni Mamba ‘ninanakaw’ ni Curry

Lumaki raw si Stephen Curry na ina-ido­lize si Kobe Bryant.

Kaya sobrang apek­tado rin ang Golden State Warriors star sa big­laang pagkamatay ng dating Lakers great.

Kasama si Kobe, ang 13-an­yos na anak na dalagitang si Gia­nna, at pitong iba pa sa bumagsak na eroplano sa Calabasas, California noong Linggo.

Ilang araw matapos ang insidente ay hindi pa makarekober ang buong NBA, kasama si Curry.

Sa 119-104 loss ng Warriors sa Boston, natanong si Curry tungkol kay Kobe.

“There’s not a lot you can say but how much Kobe meant on and off the floor, the way he embraces kids every chance he can,” ani Curry. “The way he shared his career and love with each and every one of us. Honestly, this situation sucks.”

Bawat galaw raw ni Kobe noon, ginagaya nila.
“As I was coming up he was the guy we ido­lized, imitating his moves on the court,” paliwanag ng two-time MVP. “Anytime he was on TV you wanted to watch him.”

Star-struck raw ang three-time NBA champion nang una niyang makita si Kobe sa court:

“I remember the first time (seeing Kobe) back in the Forum, a preseason game in my rookie year and how amazing that moment it was. He has a presence. We all understood how much basketball meant to him. He pushed up the game to new heights and we are all better for it.” (Vladi Eduarte)