KAYE DACER

Maraming gusali ngayon ang iniuulat na may bitak matapos ang malagim na lindol na naitala sa magnitude 6.2.

Kabilang sa mga ito ang mga eskuwelahan, tanggapan ng gobyerno at marami pang iba.

Marami ding pribadong tanggapan ang apektado.

Dahil dito dapat lamang na maglunsad ng masusinb inspeksyon sa lahat ng gusali sa mga lugar na nilindol.

Hindi dapat ipagpaliban ang gagawing pagbusisi sa mga apektadong establisiyemento lalo na’t halos sunud-sunod pa rin ang nagaganap na paglindol sa ilang bahagi ng bansa.

Kaya nananawagan tayo sa DPWH at sa mga LGUs na maglabas na ng direktiba para masiyasat ang mga gusali sa kanilang nasasakupan upang sa gayon ay masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan.

Huwag na nating hintaying may mangyari pang malagim na trahedya bago tayo kumilos.

Kasabay nito ay nananawagan tayo sa lahat na tumulong sa mga kababayan nating nilindol.

Gawin natin ito sa kahit anong kaparaan.

Kung wala mang materyal na bagay ay maaari natin itong gAwin sa paraan ng pag-aalay ng panalangin sa mga kababayan nating nalagasan ng mga mahal sa buhay gayundin ang mga nasugatan at napinsala ang mga ari-arian.