Mga ICC investigator ipapa-deport ng Palasyo

Hindi papayagan ng gobyerno na makapasok sa Pilipinas ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) para magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa reklamong extrajudicial killing at pag-abuso sa karapatang pantao laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kampanya nito kontra iligal na droga.

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sakaling igiit ng ICC ang pag-iimbestiga kahit pa kumalas na ang Pilipinas sa Rome Sta­tute na siyang lumikha sa ICC.

Sinabi ni Panelo na hindi pupuwedeng ipagpilitan ng ICC ang kanilang kagustuhan at pakialaman ang soberanya ng bansa.

Puwede aniya bumisita ang mga ICC personnel sa Pilipinas bilang mga turista pero nagbabala si Pa­nelo na ipapa-deport ang mga ito kapag nagsagawa ng imbestigasyon hinggil sa drug war. (Aileen Tali­ping/Prince Golez)