Nais ng Foton Tornadoes na manatiling malinis ang karta sa 7th Philippine Superliga 2019 Grand Prix elims.

Pero inaasahang mapapalaban ang Tornadoes dahil katapat ang wala pa ring talo na defending champion Petron Blaze Spikers sa ala-6 ng gabi sa Bacoor Strike Gym sa Bacoor City.

Nasa pangatlong puwesto ng team standings ang Tornadoes hawak ang 1-0 karta habang magkasalo sa tuktok ang Blaze Spikers at F2 Logistics na may 2-0 records.

Magiging kapana-pana­bik ang laro dahil mortal na magkalaban ang Blaze Spikers at Tornadoes, lalo na ang kanilang mga import.

Sa katunayan, back-to-back champion ang Foton noong 2015 at 2016.

Bawas ang puwersa ng Tornadoes dahil hindi pumapalo ang magkapatid na Jaja Santiago at Dindin Manabat pero maganda ang inilalaro ng kanilang imports na sina Courtney Felinski ng United States at Selime Ilyasoglu.

“I’m glad that both of them are now jelling with the team,” saad ni Foton coach Aaron Velez, “We know Petron is a very good team so our game against them will be an ultimate test for us.”

Bukod sa kanilang mga hugot, sasandalan ng Tornadoes sina locals, Maika Ortiz, CJ Rosario, Gen Casugod, Elaine Kasilag at Shaya Adorador.