Mga importer ng Canada, SoKor basura dikdikin

Kinalampag ng isang kongresista ang Bureau of Customs (BOC), Department of Justice (DOJ) at Court Administrator ng Supreme Court (SC) na magbi­gay ng update sa publiko kung ano na ang status ng mga kaso na ibinalandra laban sa mga nagpuslit ng imported na basura mula sa Canada at South Korea.

Nabuhay ang nasabing isyu matapos ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na binibigyan niya ng isang linggo ang gobyerno ng Canada para kunin at ibalik sa kanilang bansa ang mga basurang itinapon sa Pilipinas.

“What is the status of the supposed charges filed against Chro­nic Plastics Inc., the consigne­e of the importe­d trash from Canada in 103 cargo containers?” tanong ni Misamis Orien­tal Rep. Juliette Uy.

Pareho aniya ang Chronic Plastics sa kaso ng Verde Soko na nagpasok sa Pilipinas ng mga basurang galing South Korea. Limang taon na umano ang nakalipas nang ipasok sa bansa ang mga basu­rang mula South Korea.

“Both misdeclared their cargo to illegally import their dangerous contraband cargo,” dagdag ni Uy.

Giit ng mambabatas na magbigay ng update ang mga nabanggit na tanggapan ng gobyerno sa kaso ng Chronic Plastics at Verde Soko.

“This is not a victimless crime. It is clear that Chronic Plastics violated the law. The plaintiff is the People of the Philippines. The Filipino people want justice meted against Chronic Plastics and all its officials and the personnel who cons­pired with or were accessories to the crimes stated in the charges,” giit ni Uy.

Hinggil sa Verde Soko, sinabi ni Uy na inim­bestigahan na ito ng National Bureau of Investigation at sinampahan ng kaso sa piskalya.

Tiniyak ni Uy na kanilang babantayang mabuti ang magiging aksyon ng mga nabanggit na tanggapan sa isyu ng paglabag sa solid waste law ng mga nasabing kompanya.

Si Uy ang panguna­hing nag-akda ng House Resolution 2317 na nagbigay-daan para makalkal ng Kamara ang mga ha­zardous waste na ipinasok sa Pilipinas mula South Korea. (Aries Cano)