Inabot na ng alas-11:00 nang gabi noong Enero 8, 2019 ang ginawang pagtatanong sa mga naninirahan sa lugar ng tatlong pulis at nagkataon naman na sa gitna ng pagsisiyasat, biglang lumabas ng kanyang unit si Gina at dito na siya itinuro sa mga pulis ng mga naninirahan sa naturang gusali.

Nang malaman ni Gina na siya ang pakay ng mga pulis, dali-dali siyang nagtatakbo papasok sa loob ng tinutuluyang unit at sa pagmamadali ay nahulog ang kanyang cellular phone na mababaw ang pagkakalagay sa kanyang bulsa.

Nang damputin ng mga pulis ang nahulog na cellular phone, dito na nila nakita ang video­ footage ng ginang habang nakikipagtalik sa sa­rili nitong anak kaya’t mabilis silang tumawag ng ayuda sa headquarters ng Taguig city police.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon sina Chief Insp. Torrest at Senior Insp. Mangohan na magtungo sa lugar at dahil isang hot pursuit operation ang nangyari, kaagad na dinakip ng tatlong pulis si Gina pati na ang asawa nitong si Resty na dinatnan nila sa loob ng tinutuluyang unit.

Nailigtas din ng pulisya ang dalawang anak ng mag-asawa na sa ngayon ay nasa ilallim na ng pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa kanilang pagiging menor de edad.

Sa loob din ng tinutuluyang unit nina Resty at Gina natagpuan ang iba’t ibang uri ng sex toys na ipinagagamit ni Gina sa kanyang mga anak sa tuwing kukuhanan niya ng video ang mga ito sa ginagawang kalaswaan.

Bago dalhin sa pangangalaga ng DSWD ang magkapatid, dinala muna sila sa tanggapan ng Taguig Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) upang tanungin sa mga sensitibong bagay na magagamit ng kapulisan sa paghahain ng kaukulang kaso laban sa mag-asawa.

Tahasan namang inanim ng dalawa ang pagsasagawa ng kahalayan sa isa’t isa na anila ay batay na rin umano sa utos ng kanilang ina kapalit ng tinatanggap na sustento sa dayuhang Amerikano.

Inamin din ng batang lalaki ang utos ng kanyang ina na magtalik silang dalawa habang bukas ang camera ng cellular phone ng ginang pati na ang pagtatalik nilang magkapatid habang kinukuhanan ng video ng kanilang ina.

Sa panig naman ni Resty, mariin niyang itinanggi na may kinalaman siya sa ginagawang kababuyan ng kanyang asawa sa dalawa nilang anak. Wala aniya siya maghapon sa kanilang bahay dahil dalawa ang uri ng trabahong kanyang ginagampanan bilang janitor at car wash boy.

Sa panayam ng TUGIS kay SPD Director Chief Supt. Cruz, sinabi niya na imposibleng hindi makarating sa kaalaman ng ama ang gina­gawa ng asawa’t mga anak at posibleng nagsawalang-kibo na lamang siya dahil malaki ang nagiging pakinabang ng kanilang pamilya sa salaping tinatanggap mula sa dalawang dayuhan na parokyano ni Gina.