Mga international chef todo-suporta para mapaangat ang PH food tourism

Isusulong ng Department of Tourism (DOT) ang pagkuha ng mga international chef para i-promote ang food tou­rism.

Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nakikita niya ang potensiyal ng Filipino cuisines sa pag-angat ng turismo sa bansa kaya balak niyang mag-imbita ng mga international chef para mag-promote ng mga Filipino cuisine.

“The DOT believes greatly in the potential of Filipino food that we have identified culinary tourism, under the cultural tourism umbrella, as a key tourism pro­duct in the National Tou­rism Development Plan (NTDP) 2016-2022,” ayon kay Romulo-Puyat sa ginanap na DOT x WOFEX University Fun Food Talks sa Taguig City.

Ang nabanggit na event ay sa pakikipagpartner ng DOT sa World Food Expo Philippines (WOFEX) na nag-feature kay Filipino-American chefs Tom Cunanan, may-ari ng Bad Saint restaurant sa Washington, D.C.; Lanai Tabura na nagwagi sa Great Food Truck Race; at Charles Olalia ng Ricebar sa Los Angeles.

Sinabi ni Romulo-Puyat na malakas ang impact ng pagkain sa tourism industries sa mundo .

Sinabi ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO) na ang pagkain ay ‘a central part of the tourism experience’ at may one-third na gastos ng turismo.

“More and more people are turning to food as their key motivation to travel to a destination. Somewhere around the world, there’s someone scrolling on their phone, on the lookout for the next destination they could visit that has the best food they should try, or perhaps a festival, farmers’ market, or culinary tour they can attend, and that will rouse their inner travel bug,” ayon sa kalihim.

Sanhi nito ay umaasa si Puyat na makakalikha ng army bilang ‘food tourism ambassadors’ at maka-nspire pa ng ibang international chef para i-promote ang mga pagkaing Pilipino sa abroad.

Nabatid na mula pa noong Nobyembre 10, umiikot ang mga international chef sa Manila, Pampanga, Iloilo, Bacolod, at Davao para ala­min ang iba’t ibang putaheng pagkain. (Juliet de Loza-Cudia)