Mga int’l federation OK sa new date ng Olympic

Positibo ang reaksyon ng International Federations (IFs) sa bagong petsa ng 32nd Summer Olympic Games sa Hulyo 23-Agosto 8, 2021 sa Tokyo, Japan.

Kinumpirma ng International Olympic Committee (IOC) at Tokyo 2020 organizers ang bagong petsa kahapon mula sa orihinal na parating na Hulyo 24-Agosto 9, 2020.

Ang hakbang ay nangangahulugan sa bwat IF na makagawa ng kanilang pagbabago sa mga kalendaryo o kanilang programa.

Karamihan sa reaksyon mabuti sa pangunguna ni World Baseball Softball Confederation (WBSC) President Riccardo Fraccari ng Italy na nangako agad isusunod ang programa ng organisasyon habang masayang tinanggap ang itinakdang bagong petsa at desisyon ng world governing Olympic body at host country.

“The WBSC has stood in solidarity with the Olympic Movement and Japan during this challenging time and continues to do so, remaining flexible with its own events, including Olympic qualifiers, to accommodate the rescheduling of the Tokyo 2020 Games,” ani Faccari.

“Above all, the WBSC fully supports the main considerations which the decision was based upon, especially protecting the health of the athletes and everyone involved, and to support the containment of the COVID-19 virus as well as safeguarding the interests of the athletes and of Olympic sport,” hirit niya.

Nakasamang muli sa Olympic program ang baseball at softball sa unang pagkakataon sapul noong 2008, pero dahil sa nagaganap na coronavirus disease pandemic ay iniusog ang dalawang baseball qualifiers kung saan isa ang Pilipinas sa mga dapat na papalo sa Tucson, Arizona.

Halos karamihan sa weightlifting events na nakatuon sa Tokyo 2020 qualification pati ang continental championships ay naurong din dahil sa COVID-19 at kung saan nagpahayag ang International Weightlifting Federation (IWF) sa bagong petsa ng quadrennial sportsfest.

“Thanks to this decision, an important part of the uncertainty being faced by athletes with Olympic ambitions has now been removes,” bigkas ni acting IWF President Ursula Papandrea ng Estados Unidos.

“There is now a vast amount of work to be done, but we have already been so impressed by the work of the Tokyo Organising Committee of the Olympic Games, including the delivery of the successful weightlifting test event.

“In addition to our sincere thanks for that work, the IWF would now like to add its deepest gratitude to Tokyo 2020 for their willingness to take on the challenge of a rescheduled Olympic Games while also dealing with COVID-19.

“With the highlight of the summer of 2021 now established, the IWF will calendar its events accordingly,” panapos na dugtong ni Papandrea. (Lito Oredo)