Ang mga ipinanganak sa taon ng Kuneho, Unggoy at Daga ang mga pinakamasuwerteng Chinese zodiac sign sa paparating na 2019 na taon ng Earth Pig.

Ito ang inihayag ni Feng Shui adviser Johnson Chua sa kanyang pinakahuling ‘Ask away’ episode.

Sinabi ni Chua na ang rabbit ang pinakamasuwerte dahil ito ay kaibigan ng ‘pig’ kaya ang mga ipinanganak ng taong 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011 ay magkakaroon ng maraming kaibigan dahil kaibigan niya ang Earth Pig.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming kaibigan, magiging masuwerte ang kanilang network at mga koleksiyon.

“Alam nga natin that ‘no man is an island’ so your luck is also from your connections, your network, you can gain your wisdom,” ayon kay Chua. Bukod pa sa lilipad ang “Heaven Star” Rabbit’s palace.

“When you say Heaven Star, may guardian support sila. May mga helpful people na puwedeng tumulong sa kanila,” ayon kay Chua.

Lahat umano nang hihi­lingin ng Rabbit ay maaaring matupad ngayong taon. Kaugnay nito, ang mga problematic star ay ang mga ipinanganak sa Year of the Monkey (1956, 1968, 1980, 1992, 2004) pero ikinunsidera pa rin silang masuwerte nga­yon taon dahil may tatlong good stars na sumusuporta sa Monkey.

“Meron siya ‘yong tinatawag natin na fortune virtue, so ibig sabihin kahit wala pa siyang ginagawa, ‘yong biyaya pumapasok na sa kanya,” ayon pa sa feng shui expert.

Pinaalalahan naman ang mga Monkeys na pag-ingatan ang mga oportunidad na ibibigay sa kanila ngayong taon. “So paano magi­ging bad luck ‘yon ‘pag pumasok sa kanya at hindi niya inasikaso puwede lang din siyang mawala,” sambit pa ni Chua.

“So sana lang ‘yong mga Monkey, huwag magko-complain for 2019 na ‘uy bakit ganon sabi niya swerte pero wala naman nangyayare?’ Meron na pala pero hindi lang natin kaya i-handle.”

Ang mga ipinanganak naman sa Year of the Rat (1960, 1972, 1984, 1996, 2008) ay makakaranas ng paglago at oportunidad sa 2019.

“Ang maganda naman sa Year of the Rat, mag-e-expand ‘yong kanilang knowledge and wisdom, so maraming opportunities for learning, experience, skills,” sinabi pa ni Chua.

Magiging maganda ang career ng Rat dahil magkakaroon sila ng mas maraming kaalaman at karanasan. “So for me kasi knowledge is one of, puwede mong sabihing strength so adding up to your knowledge, adding up your experience, dagdag ‘yon sa skills and profession,” dagdag pa ni Chua.

Sinabi pa ni Chua, ang mga tao na may Chinese zodiac sign of Year the Rat ay kilalang taga-resolba ng problema. “Ibig sabihin ‘pag tumaas pa ang kanilang knowledge, mas marami pa silang puwedeng hawakan.

“Kaya super ganda para sa mga Year of the Rat,” sabi pa nito. (Juliet de Loza-Cudia)