Mga istruktura sa West Valley Fault alisin – environmental planner

Mga istruktura sa West Valley Fault alisin - environmental planner

Iginiit ng Philippine Institute of Environmental Planners (PIEP) sa gobyerno na alisin ang lahat ng istrukturang nakatayo sa dinadaanan ng West Valley Fault kasunod ng sunod-sunod na mapaminsalang paglindol sa Mindanao.

Ayon sa PIEP, kinakailangan umano na magkaroon ng poli­tical will ang gobyerno bilang paghahanda ng bansa sa sanda­ling dito mangyari sa Metro Manila ang malakas na pagyanig.

Sinabi ni Urban Planning expert Edgardo Sabado, ang ka­handaan ng mga local government unit para tumugon sa panahon ng disaster ay maaaring hindi match sa population density na kailangan nilang isiguro.

Kinakailangan din umano nating linisin ang mga zone na sakop ng kahabaan ng West Valley Fault dahil ayon sa mga scientist, paiigtingin nito ang ‘The Big One’ destruction sa Metro Manila.

Nabatid na sakop ng West Valley Fault ang may 100 kilometro mula sa lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna at Metro Manila. (Juliet de Loza-Cudia)