Ni Geraldine Monzon

Ang Huwebes Santo ay bahagi ng ating paggunita tuwing mahal na araw. Mahalaga ang mga kaganapang napapaloob dito.

Ito ang simula ng tatlong araw na pagdiriwang ng pasko ng pagkabuhay na siyang pinakaimportanteng selebrasyon para sa mga kristiyano.

Ang Mahal na araw ay kinapapalooban ng pag-alala natin sa mahahalagang baha­gi nito gaya ng huling hapunan, ang pagpapako kay Kristo sa krus at ang muling pagkabuhay ni Kristo.

Ang huwebes santo ay kilala natin sa ingles bilang maundy Thursday. Ang salitang Maundy ay nagmula sa Latin word na Mandatum na ang ibig sabihin ay commandment.

Nang maganap ang huling hapunan, ipinag-utos ni Hesukristo na mahalin ang isa’t isa, tulad ng pagmamahal niya sa atin ay dapat nating mahalin ang bawat isa.

Noong huling hapunan din ay hinugasan ni Kristo ang mga paa ng kanyang mga disipulo.

Ipinaaalala nito na ang mga rulers ay narito upang magsilbi sa kanyang mga tagasunod. Sa araw na ito ay isinasagawa rin ang pamimi­gay ng libreng pagkain, pera at kasuotan sa mga mahihirap bilang ba­hagi ng paggunita dito.

Marami rin sa mga kristiyano ang tumitigil­ sa kanilang mga gawain upang tahimik na magnilay at taimtim na mag-alay ng panalangin bilang pag-alala naman sa mga oras na iginugol ni Hesukristo sa Garden of Gethsemane.