Mga kandidato sa 2019 election isalang sa drug test

Nais ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagsasagawa ng ‘surprise drug test’ sa mga politikong tatakbo sa gaganaping eleksyon sa 2019.

Ayon kay PDEA ­Director General ­Aaron Aquino, wala naman aniya pang plano at basta na lamang niya naisip ‘yun upang malaman kung sino sa mga aspirant ang gumagamit ng iligal na droga.

“Wala namang plano. Bigla lang pumasok sa utak ko. (The drug test) should be surprised, otherwise, we are not doing (it) pro­perly. It doesn’t serve the purpose. Mas maganda surprise drug test sa lahat ng kandidato,” paglilinaw ni Aquino sa isang panayam.

Gayunman, iginiit ng PDEA chief na hindi niya pa alam kung ligal ito o hindi at magtatanong o pag-aaralan pa niya pero mas mainam kung gagawin ang kanyang ipinanukala.