Mga Kapamilya celebrity nalungkot sa tigil operasyon

Nagsama-sama ang ilang celebrity matapos ipahinto ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagsasaere ng ABS-CBN nitong Martes dahil nag-expire na ang prangkisa nito noong Mayo 4.

Sakop ng kautusan ang 42 TV station ng media company sa buong bansa kabilang na ang Channel 2, sampung digital broadcast channel, 18 FM station at limang AM station kasama ang DZMM.

Kaya naman naglabas ng kanilang saloobin hinggil dito ang ilan at nag-trending pa ang hashtag na #NoToABSCBNShutDown.

Kabilang sa nag-react sa ABS-CBN shutdown sina Coco Martin,Regine Velasquez, Angel Locsin, Ria Atayde, Bianca Gonzalez, Gretchen Ho, Pokwang at Sharon Cuneta.

@mr.cocomartin, “NAPAKASAKIT NG GINAWA NINYO SA MGA PILIPINO!!!”

Pagkatapos ng TV Patrol ay nag-shutdown na ang ABS-CBN.