Mga kapatid ng aktor, negatron sa aktres

Malabong magkaa­yos ang estranged couple na ito.

Malabo silang maging magkaibigan dahil tuwing nagkakaroon ng chance na magkabati sila at maging magkaibigan kahit nauwi sa hiwalayan ang kanilang sama­han, palaging may negative reaction ang mga kapatid ni aktor.

Negatron pa more!

Para wala na lang gulo at hindi pala­ging negative ang da­ting, ayaw na lang daw ni aktres na binabanggit-banggit pa ang pangalan ng kanyang estranged husband.

Ayaw nang banggitin ni aktres sa mga interview sa kanya ang posibi­lidad na finally ay maayos na ang gusot nila at maging magkaibigan na lang sakaling ma-grant na ang annulment sa kanilang kasal.

Sabi ni aktres, ayaw na niya ng gulo at lalong ayaw na niya ng banggaan sa pagitan niya at ng pamilya ni aktor, kaya quiet na lang siya tungkol dito.

Ang gusto na lang ni aktres ay ang ma-annul na lang ang kanilang kasal at pare-pareho na silang mag-move-on.

***

HABANG nagbaba­lak si Annabelle Rama na isama sa ibang bansa ang anak na si Ruffa Gutierrez para ipa-check-up uli sa ilang espesyalistang doktor dahil sa “mysterious” na sakit ng actress/TV host, ang mga malalapit niyang kaibigan ay nagbabalak ng isang healing ritual.

Ruffa Gutierrez
Ruffa Gutierrez

May mga nagsususpetsa kasing “sinasaniban” si Ruffa kaya ilang beses na siyang hinihimatay at nawawala sa sarili.

Ang gusto ng ilan sa mga malalapit niyang kaibigan ay magsama ng ilang pastor at ipe-pray over siya.

May mga ritual din na gustong gawin sa kanya.

Exorcism!

“I don’t know yet. Ewan ko if gagawin ko. I’m confused!” pahayag ni Ruffa.

Simula nang madulas si Bisaya at masabi sa press conference ng 4th season ng reality TV series nila na It Takes Gutz to be a Gutierrez under E! ang problema ni Ruffa, marami na ang nagdududang napo-“possess” si Ruffa.

May ilang concerned citizens din ang nag-aalok ng kanilang tulong ay may mga pari sila na kilala na puwedeng makatulong kay Ruffa.

Ipinakita namin kay Ruffa ang text message ng isang kakilala na may mga karanasan sa mga kababalaghan na nag-o-offer na ipag-pray over siya.

Naikuwento rin ni Ruffa na may isang spiritista na ipinakilala sa kanya ng isang kaibigan ang nakikipag-usap sa kanya ngayon, pero ayaw na niyang ilabas pa sa publiko ang detalye ng tungkol sa bagay na ‘yon.

Ang nakakaloka, may ibang very enterprising na nag-o-offer to help Ruffa, pero sinisi­ngil siya ng napakala­king halaga, huh!

‘Kakaloka ang mga ganoong klase ng offer kay Ruffa, na gusto siyang tulungan, pero gusto siyang pagkaperahan, kaya obvious na fake, ‘noh?!

Sa Lunes nang 8:30 PM na ang pilot telecast ng 4th season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sa E!