Magkaiba man ng network pero sa panahong ito ay nagpahayag ng parehong tono ng pagsuporta ang mga Kapamilya at Kapuso.Sa kani- kanilang Instagram at Twitter account ay kinondena nila ang pagpapatigil ng operasyon ng ABS CBN sa bisa ng cease and desist order mula sa National Telecommunications Commission.

Si Maine Mendoza ay nag-post ng tatlong heart emojis ng mga kulay ng Kapamilya.

Post naman ng dating Kapamilya news anchor na si Atom Araullo, ” Sorrow today, courage and defiance tomorrow, at may hashtag na #DefendPressFreedom.

” This is heartbreaking, post naman ni Lovi Poe at may crack heart emoji.Humingi rin siya ng prayers para sa lahat. Tatlong heart emojis din ang post ni Julie Ann San Jose at may caption na “Yakap at dasal”.Halos ganun din ang mensahe ni Bea Binene, “Dasal,yakap at puso.”

Isang quotation naman ang naging post ni Janine Gutierrez, ” The moment we no longer have a free press, anything can happen. What makes it possible for a totalitarian or any other dictatorship to rule is that people are not informed; How can you have an opinion if you are not informed? If everybody alwayas lies to you, the consequence is not that you believe the lies, but rather that nobody believes anything any longer – Hannah Arendt

Sa broadkaster na si Kara David, nagpahayag siya ng suporta sampu ng The University of the Philippines, College of Masscom ang pagkondena sa naging desisyon ng NTC.

Post niya, “Again, the current Administration demonstrates the lenghts it will go to silence critical media voices.

” During this ECQ, we have witnessed the brave coverage of the journalist-frontliners from ABS CBN in covering the pandemic.

” As we continue to battle this health crisis, we need a free press to serve as faithful chronicle of events, a platform for the diversity of voices to be heard, and more importantly,the public’s watchdog of inept,abbusive and corrupt governance, #defendpressfreedom (Mildred Bacud)