Maganda ang feedback sa ginawang pagbati ng Kapuso broadcaster na si Raffy Tima sa ABS-CBN 2.
Kahit may ‘network wars,’ mababasa sa kanyang Facebook account:
“Saludo at pagpupugay sa mga kaibigan kong Kapamilya. While we see you as competition, out in the field, we are one.
“Pagbati sa inyong anibersaryo at sa marami pang taon nang paglilingkod para sa bayan.”
Kabaligtaran ito sa pahayag ng singer at Assistant Vice President for Entertainment ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Jimmy Bondoc na excited na siya sa pagsasara ng isang giant network.
Maging ang dating Kapamilya na si Atom Araullo ay nagpahiwatig ng pagmamahal at suporta sa Dos. Nagtatrabaho na siya ngayon sa GMA-7.
“Sending love and support to my family for over a decade. Your media colleagues have got your back,” caption niya sa isang article tungkol sa ABS-CBN.
Talbog!
19th anniversary ng White Bird
Sino ang rarampa ngayong gabi, May 28, 9PM sa 19th anniversary presentation ng White Bird Entertainment Bar na matatagpuan sa Roxas Boulevard malapit sa Baclaran Church?
Pinaghandaan ng mga guwapong modelo ang kanilang production numbers.
Makikita rin ang mga nakakapaglaway at artistahing bagong mukha sa WB.
Para sa ibang detal-ye, tawagan si Gelli sa 0927-907-4623.