Nagkakasakit na umano ang mga residente sa Barangay San Carlos sa bayan ng San Luis, Pampanga dahil sa masamang amoy na dulot ng libu-libong kinatay na manok sa lugar kasunod ng avian flu virus outbreak.
Bukod sa hika, nakaranas na rin ng iba’t ibang sakit sa balat ang mga nakatira sa nasabing barangay.
Binanggit ng ilang mga residente na nagdudulot ng sakit sa ulo ang mabahong amoy ng mga pinatay na manok.
Tila nangangagat din umano ang mga langaw na dumarapo sa kanila dahil masakit na ito sa balat.
Sinasabing sama-samang inilibing ang mga patay na manok sa isang hukay malapit sa residential area sa barangay.