Isinuko kahapon ng isang lalaki sa Pasay City Police ang iba’t ibang kalibre ng baril at mahigit 1,500 na mga bala na sinasabing koleksyon ng kanyang yumaong ama na dating sundalo.

Ayon kay Col. Bernand Yang, hepe ng Pasay City Police, may nakipag-ugnayan sa kanila para isuko ang mga armas ng retiradong sundalo na taga-Maricaban na namatay noon pang Disyembre 2018.

Natakot aniya ang pamilya na ex-military na baka sila maaresto at makasuhan dahil hindi lisensiyado ang mga baril sabay nakiusap na huwag nang panga­lanan ang yumaong sundalo.

Kabilang sa mga isinukong armas ay apat na rifle, tatlong kalibre .45, tatlong kalibre .22 revolver at mahigit 1,500 na mga bala.

Nai-turn over na ang mga armas at bala sa Firearms and Explosives Division ng Camp Crame para sa inventory at documentation.

Sinabi pa ni Yang na nakatakdang isailalim ang mga armas sa ballistic test upang mabatid kung nagamit sa krimen. (Vick Aquino)