Mga kompanya ng langis unahan sa rollback

Nagpatupad ng rollback ang Phoenix Petroleum sa presyo ng kanilang produkto, epektibo alas-sais nang umaga nga­yong Linggo, Nobyembre 4.

Kabuuang P1.10 kada litro ang ibabawas sa presyo ng ga­solina, habang P1.00 naman sa diesel.

Susunod namang magpatupad ng rollback bukas, Lunes, ang Petro Gazz at Eastern Petroleum sa kaparehong halaga.

Inaasahang magpapalabas din ng anunsyo ang tinaguriang ‘Big 3’ sa price rollback na posibleng ipatupad sa Lunes o Martes.

Ito na ang ika-a­pat na sunod na linggong nagbaba ang presyo ng petrolyo, matapos ang siyam na sunod-sunod na price increase.