Mga kontraktor, developer pinakakasuhan sa Yolanda housing

Pinasasampahan ng kaso ng isang political party-list group mula sa Eastern Visayas ang mga tiwaling developer at contractor na umano’y sangkot sa mga palpak at substandard na hou­sing projects na para sana sa 2013 super typhoon Yolanda victims.

“It has been five years now since Yolanda happened. So many of our fellow Warays, our people in Eastern Visayas have yet to receive the decent housing they deserve. It’s unfortunate that some housing contractors and developers are not taking this seriously,” pahayag ni Philip Jude Acidre, first nomi­nee ng party-list group Tingog Sinirangan.
Dapat din umanong imbestigahan at sampahan ng kaukulang kaso kapag napatuna­yang may kapabayaan ang mga contractors at ­developers, dagdag pa ni Acidre.

Sinabi pa nito na importante umano sa gobyerno ang pagrebisa ng mga policy sa shelter development upang malaman kung ano ang pagkukulang para ma­ayos sa mga susunod na proyekto.

“May we able to continue to do this project with a strong sense of urgency. We cannot afford to see these families not living in a safe community. This is an affront to their rights. Housing is a human right, the Yolanda survivors deserve much better,” saad pa ni Acidre, na siya ding namuno ng mabigat na relief works para sa mga biktima ng bagyong Yolanda at siya ding country director ng humanitarian aid group na International Emergency and Development Aid (IEDA).

Sa kasalukyan ay patuloy na dinidinig sa isang Senate Inquiry ang umano’y substandard at delayed na housing pro­jects para sa Yolanda victims na pinangunguna­han ni Sen. Joseph Victor Ejercito na siyang chairman ng Senate Committee on Urban Planning.