Kunsumido ang ilang netizen sa araw pa man din ng Pasko dahil wala silang internet connection mula sa kanilang service provider na PLDT.

Ayon sa ilang netizen, tinawagan nila ang kompanya ng negosyanteng si Manuel V. Pangilinan pero sinabihan sila ng PLDT na may isinasagawa itong enhancement.

Ipinost ng netizen na may username @gmzdev ang kanyang karaingan sa Twitter para kalampagin ang PLDT, kompanyang pag-aari ng negosyanteng si Manuel V. Pangilinan

“Merry Christmas. No connection, No customer service representative is available@PLDT_Cares,” sabi ni @gmzdev.

Kalaunan ay sinagot din siya ng @PLDT_Cares at sinabing aayusin nila ang problema.

“Let’s fix the difficulty you experience with your connectivity, @gmzdev. We’ve already sent you a DM. Kindly check in your inbox. Thank you,” tugon ng @PLDT_Cares.

Sinagot naman sila ng netizen na wala pa itong natatanggap na direct message galing sa @PLDT_Cares.

Nawalan din ng internet connection ang netizen na may username @_beryllao kaya ipinost din nito ang kanyang karaingan.

“Dear PLDT, why u gotta to be a bitch on Christmas day?” ani @_beryllao.
“So I called them for having no Internet for quite an hour, then just being told there is an enhacement same as PLDT customers experiencing,” sabi ni @fritzzzromero.

“PLDT, thank you so much for your christmas gift. Anuna? NO INTERNET!” reklamo ni @brezamar.

Sinagot naman siya ng PLDT at nag-sorry ito sabay sabing inaayos na nila ang problema.

“We’re really sorry for the hassle, @brezamar. Allow us to fix the issue. Kindly send your account details via DM for your privacy. We’ll wait for your message,” tugon ng kompanya.

May iba naman na mayroong internet connection sila pero umaa­ngal dahil sa bagal nito kaya kuyog na naman sa mga netizen ang PLDT.

“The internet speed is abysmal. Ngano jd ni @pldt????” sabi ni @Arriiiizzzz.

Isang netizen ang hindi nakapagpigil at nagmura pa dahil nagbaba­yad naman umano sila ng P2,000 kada buwan pero bakit mabagal ang internet connection nila.

“Ugh PLDT is back at it again. @PLDT_Cares when can we ever have fast internet connection?” ani @ColeReye.