Tahimik ngayon ang mga masasamang loob matapos iulat ng Philippine National Police (PNP) ang “all-time low” na bilang ngayon ng krimen sa bansa.

Mula noong kalagitnaan ng Marso kung saan pinairal ang lockdown o community quarantine ay bumaba o nasa 7K ang naitalang krimen ng pambansang pulisya.

Di hamak na bumulusok ito sa 57 percent di gaya nang dating 13K record na kriminalidad bago ipatupad ang lockdown.

Kabilang sa bumabang record ng crime rate ang murder at homicide na kapwa bumulusok sa 30% habang ang rape ay bumaba sa 49%.