Mga kritiko sa SEAG, hinamon ni Medialdea

Mga kritiko sa SEAG, hinamon ni Medialdea

Hinamon ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga kritiko na ipakita ang kanilang nagawang tulong para sa ikagaganda ng bansa partikular sa nakatakdang pagsasagawa ng 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na Nobyembre 30-Disyembre 11.

Aniya, ‘di totoong wala silang buong awtoridad mula kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte para iutos ang pagsasagawa ng 11-nation, multi-sport meet habang pinasaringan ang mga kritiko na ipakita ang kanilang naiambag sa SEA Games.

“The 30th SEA Games is a testament to the Philippines competence in sports, and for the benefit of the country’s athletes and people,” punto ni Medialdea.

“Wala raw kaming awtoridad para mag-isyu ng kung ano-anong order. This meeting is called within the walls of Malacanang Palace to show that President Duterte is giving his 100 percent support to the country’s hosting of the SEAG. Full support ang President, pati nga itong host mula sa Office of the President, ang chair mula sa OP, nagpapakita iyan ng buong suporta ng Pangulo,” litanya niya.

“‘Di katulad ng iba diyan na puro tirada lang wala namang binibigay na suporta para sa bayan. Hinahamon ko ‘yung mga maiingay, magpakita kayo ng tinulong ninyo para sa sports at sa mamamayang Pilipino,” hirit ni Medialdea sa ginanap na SEAG Call for Unity Meeting sa Malacañang Palace sa San Miguel, Manila.

Umaasa si Medialdea na magagawa ng Phisgoc (Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee) Foundation, Inc. ang pag-oorganisa sa SEAG kasama ang Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.
Una nang naiulat ang mga isyu ng korapsiyon sa PFI habang lumabas din sa ilang pahayagan ang pag-isyu ni Medialdea ng Memorandum 56 na walang basbas ng Punong Ehekutibo. (Lito Oredo)