Rey T. Sibayan
Mga ka-Misteryo, ginimbal tayo ng sunod-sunod na lindol mula noong Lunes.
Magnitude 6.1 na lindol ang tumama sa Zambales, kinabukasan, Martes ay magnitude 6.5 ang yumanig sa Eastern Samar at may kalakasang lindol sa magnitude 4.7 sa Davao nu’ng Miyerkoles. Kahapon ay magnitude 5.5 naman ang tumama sa Surigao del Norte.
Pinakamatinding pinsala ang tinamo ng Pampanga nang gumuho ang isang supermarket at sa kabuuan nasa 18 ang namatay sa Central Luzon.
Alam nating lahat na ang lindol ay maaaring mangyari dahil nakasalalay ito sa kundisyon ng mga bitak o faultline sa ilalim ng lupa.
Ngunit may ibang naniniwala na matindi ang mensahe ng kalikasan at maging ng Poong Lumikha.
Ayon sa spiritual healer na si Kuya August mula Sta. Maria, Bulacan nais ipabatid ng kalikasan na umaksyon na tayo ngayon para maisalba ang ating kapaligiran laban sa pagkasira.
Sabi naman ng kilalang psychic na si Madame Venus, isang masidhing mensahe ito ng Diyos para isantabi ang pag-aaway sa isa’t isa sa halip pag-ibig ang mamayani sa bawat puso. Isa rin itong babala na kapag pinabayaan natin ang kalikasan ay posibleng magunaw ang mundo.
Nanawagan naman ang isa pang psychic/medium na si Luna na isa itong pagsubok sa ating pananampalataya sa Diyos at kailangan magdasal at umiral ang kapatawaran at pag-ibig sa bawat isa.
Kung ako ang tatanungin niyo, lahat ng paraan ay gawin natin para mailigtas ang tao sa kapahamakan ngunit isipin din natin na tao rin ang ang dahilan ng kapahamakan ng kapwa. Ika nga ng ilang kaibigan sa ibang dimensiyon “ang tao ang dahilan kaya nasisira ang planeta.”
Harinawa mabago natin ang ganitong pananaw ng ibang nilalang.
Maaaring makipag-ugnayan sa akin sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin angwww.reytsibayan.com.