Mga lugar sa modified GCQ luluwagan pa

Posibleng magkaroon ng adjustment sa quarantine classification sa ilang lugar sa bansa partikular ang mga nasa modified general community quarantine (MGCQ).

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque batay na rin sa ipinakikitang pagbaba ng trend sa mga bagong kaso ng COVID-19 matapos ang isang linggo pagdeklara ng MGCQ sa ilang lugar sa bansa.

Kapag magtuloy-tuloy aniya ang ganitong trend ay posibleng luluwag na ang community quarantine sa ilang mga matutukoy na lugar sa bansa.

Subalit sinabi ni Roque na hindi pa niya matiyak kung kasama dito ang Metro Manila dahil marami pa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa National Capital Region.

“It is safe conclusion na magkakaroon na naman ng reclassification, except Metro Manila. Iba ho ang data ng Metro Manila so we will have to examine closer kung mag-MGCQ siya next week,” ani Roque. (Aileen Taliping)