Sira ang libo-libong pananim na mais nang atakihin ng pesteng “fall armyworm” ang ilang sakahan sa bayan Region 2, ayon sa Department of Agriculture-Region 2 (DA-R2).

Sa ngayon, pinagtutuunan ng pansin ng DA-R2 ang mga nasirang mais dulot ng nasabing peste at inihayag ni DA-R2 regional director Narciso Edillo, na ang fall armyworm ay umaatake sa mga mais partikular na ang na white corn.

Hindi naman aniya inaatake ng fall armyworm ang mga genetically modified na mais.

Nabatid na unang inatake ng peste ang bayan ng Gonzaga, Cagayan hanggang sumunod ang bayan ng Piat, Cagayan at sa Lunsod ng Ilagan sa Isabela.

Mayroon na rin ito sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino. (Allan Bergonia)